ShopDreamUp AI ArtDreamUp
Deviation Actions
Literature Text
Walang pagbati, walang pambungad
Bigla na lang lilitaw mula sa kawalan
Ang simula't katapusan ng aking kahibangan
At ako'y natotorete nanaman
Mga salita na di kayang ipahiwatig
Dinadaan sa ngiti na may halong pait
Mga mata'y di makatingin kahit anong pilit
At ako'y kailangang lumayo ulit
May mga bagay na sadyang nagaganap
Pagtatagpo na kailan ma'y di naiiwasan
Naglalakad kahit hindi nakikita ang daan
At ako'y patuloy na nasasaktan
Onti pa, araw-araw lang naman
Ang buhay ay talagang masalimuot, di ba?
Hindi makalimot kahit gustong kalimutan na
At ako'y hanggang ngayon pa rin umaasa

I haven't written anything in Filipino for quite a while. To those who can understand it, good for you. For those who don't, translations are available upon request. Though I fear it may not have the same feeling in English.
Sinulat ko ito nung magbakasyon ako sa Bulacan nung makaraang linggo...
Sinulat ko ito nung magbakasyon ako sa Bulacan nung makaraang linggo...
Comments2
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
nostalgia will do that to a person i suppose.